Friday, April 10, 2009

SA LAHAT NG MGA NAGING BIKTIMA PA, MAG-COMMENT LAMANG DITO...NAWA'Y MAKIPAGTULUNGAN PO KAYO. SALAMAT PO.

Thursday, April 9, 2009



si GIMO ang magnanakaw!!! yung nakahubad, panay ang tanong, baka kasi nakilala namin sya!! pagkauwi na lang namin tsaka namin naRealize!!! sya nga ang magnanakaw!!!1

The Scandal

Its been a week since we visited Tierra de Oro in Brgy. San Antonio 1, San Pablo City, Province of Laguna to inquire the services that they are offering. Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa aming magkaka-eskwela.

Nang makarating kami sa lugar, nakakita kami ng isang taong nagwawalis sa may bandang unahan ng resort, mag sampung metro ang layo sa kanya meron namang nagm0-mower ng damo. Pagkababa namin ng sasakyan, dumeretso kami sa information para mag-inquire, ang pagkakamali namin, iniwan namin ang gamit namin sa sasakyan, pero sinigurado naming naka-sarado iyon at naka-LOCK. Matapos ang 10 minutes na paglibot sa lugar (resort), bumalik kami sa sasakyan para maghanap ng iba pang resort para naman may options kami. Subalit, nang kami ay nasa loob na, kinabahan ang isa naming classmate, nawala na ang cellphone nya kasama ang Php 750.00 sa wallet nya. Naisip namin ang lalaking nagwawalis sa may harapan, maaaring siya ang kumuha noon dahil wla na siya pagkabalik namin. Bumaba kami sa sasakyan para ipagbigay alam ang nangyari. Hindi namin inaasahan kung paano nila tratuhin ang nangyari sa amin, nagtawanan lang ang guwardya at ang nagmo-mower ng damo, para bang ayos lang sa kanila. Tinignan namin ang isang bahay malapit sa resort, ang sabi ng guwardya bahay daw ng maintenance, yun. Habang kami ay tumatawag sa bahay, biglang dumating si GIMO, ang maintenance ng resort, naka-bisikleta, pawis na pawis, waring pagod na pagod, ang sabi nya galing daw sya sa bahay nila, natulog (ano daw? Galing sa bahay nila?).

Nang malaman ni GIMO ang aming pakay, agad siyang naging interisado sa itsura ng hinihinala naming magnanakaw, na wari bang nakikiramdam kung nakilala namin ang kumuha ng mga gamit. Sa lahat ng staff na nandoon, siya lang ang bukod tanging matanong, "anong itsura nung nagwawalis? Anong height? Matangkad ba? Maitim ba? I-describe nyo 'yung nakita nyong nagwawalis." Ganyan ang mga binibitawang salita ng maintenance na si GIMO.

Nagduda kami sa ipnakitang behavior ni GIMO sa amin.

Hanggang sa sinabi niyang, maaaring 'yung mga nasa kabilang bahay daw ang kumuha nu'ng gamit na nawala, dahil sa mga mukhang magnanakaw daw sila. At first time lang daw nangyari sa Tierra de Oro ang bagay na 'yun.

Hindi kami kumbinsido sa sinabi nya, kaya ang dalawa naming kasamahan ay nagpa-sama sa tao ng baranggay upang tukuyin ang sinasabi ni GIMO, nang makarating ang balita, lagi daw sila (mga residente malapit resort) ang pinagbibintangan kapag may nangyayaring nakawan doon, ibig sabihin, hindi pala first time ang nangyaring iyon sa Tierra de Oro.

Nang kinukuha namin ang mga pangalan ng mga staff na nandoon, sa guwardya, 'yung nag-momower, ibinigay agad nila ang mga panglan nila, subalit nang kuhanin namin ang pangalan ng maintenance eto ang nangyari:

Kasama Namin: (sa maintenance) anu pong pangalan niyo?

Maintenance: Teka, bakit pati ako?

Kasama Namin: Syempre po kasama kayo!

Maintenance: GIMO (surname)

BAKIT KAYA SA LAHAT NG TINANONG, SIYA LANG ANG BUKOD TANGING NAG-REACT NA KUKUHANIN ANG PANGALAN.... HHMMMM??? NAKAKAPAG-ISIP...

Hindi kami umalis sa Tierra de Oro hanggang hindi namin nakakausap ang manager ng resort kasama ang Baranggay Chairman. Pasadong alas-6 ng hapon may dumating na sasakyan, ang manager ang nasa isip namin, sinundo kami ni GIMO sa labas ng resort sa tapat ng Branggay Hall, upang papuntahin kami sa loob, subalit wala pa si chairman, ang sabi sa amin ni GIMO ay wala daw si Chairman kahit sa pa bahay nila, hindi kami nagpadala sa sinasabi niya kaya hinanap namin ang bahay ng Chairman at sinundo namin siya, nasa bahay lang pala nila siya, nakahiga.

Nang makarating muli kami sa reort, ang alam namin ay ang Manager na ng resort ang nandoon, hindi pala, anak pala ng manager na isang abogado.

Nang nasa resort na ang mga kailangan naming tao, Baranggay Chairman, anak ng manager na isang abogado at ang mga staff na kasali sa insidente, panahon na para magkaliwanagan.

Dahil sa kasama namin ang Baranggay Chairman, kampante kami na malulutas ang kaso, pero hindi pala kami dapat maging kampante, dahil ang Chairman palang kasama namin, napapakiusapan ng mayaman.

narito ang ilang pangyayari sa pag-uusap...

Atty: (sa chairman na kinausap privately) psst... halika, (pabulong na sinabi) baka naman pwedeng pakiusapan mo na 'yan...

(biglang dating ng isa naming kasama sa usapan nila)

Atty: (sa kasama namin) oh? bakit ka nandito? mamaya na muna, dun ka muna...

Ksama namin: (sa Atty.) bakit po? hindi pwede, dapat pag nag-usap kayo kasama kami.

Atty: (sa chariman) Paano kaya nabuksan 'yun?

Chairman: Oo nga eh...

(bakit nag-iba ang pinag-usapan niyo chairman? atty.?)

(sabay alis si chairman, pumunta sa loob ng resort)

nawalan kami ng access kay chairman...

patay na...

nahusgahan na ni chairman...

Haay buhay, kaya kung iniisip niyong mga bata lamang kami, nagkakamali kayo, nakapagtapos kami ng kolehiyo, we're teachers, oo mas bata kami sa inyo, bata pa ba ang magtutor sa inyo ng leksyon?

Sa abogadong nag-aral ng Law at nakapasa sa BAR, dapat alam mo 'yan, dapat alam mo kung ano ang tamang gawin d'yan legally, 'wag ka magbulag-bulagan at mag-bingi-bingihan sa ginagawa at sinasabi ng staff niyo sa resort, at sa Baranggay Chairman na inihalal ng mga residente ng Baranggay San Antonio 1, tama bang pauwiin na lang kami ng walang imbestigasyong ginawa ang mga tao mo? At tama bang kilingan mo sila? 'Wag ka lang sa kanila makinig, kaya ka namin kinuha para maing mediator, nasa gitna, pakinggan ang both sides. Pero Wala kang ginawa!!!


TO THE PUBLIC:

KAYA KUNG INIISIP NINYONG TANGKILIKIN ANG SERVICES NG TIERRA DE ORO SA SAN PABLO, AKO NA ANG NAGSASABI:


HUWAG NA KAYONG MAG-INQUIRE, MAGSWIMMING O KAHIT MAGPUNTA SA
TIERRA DE ORO
!!

DAHIL MGA MAGNANAKAW
ANG MGA TAO DOON!!